komski kuno. Highschool ako nung una kong sinubukang gumawa ng isang executable program. Wala naman kaming programming class pero may naligaw na libro sa may library namin tungkol sa VisualBasic at sinubukan ko. Tinype ko sa notepad yung code na hindi ko naman naintindihan pagkatapos ay sinave ko as *.txt, at pagkatapos, hulaan mong ginawa ko=) Pinalitan ko yung .txt na extension at ginawa kong .exe, ayus di ba? Hehe, siyempre hindi gumana, wala naman akong kamalay-malay tungkol sa programming at code translation. Di tulad ngayon.

Hindi naman talaga ako isang blogger, hindi ako surfer, hindi ako bloghopper, kundi isang lamang programmer na may blog. At hindi ako sigurado kung ano ang pinagkaiba nun.

Ang mga sipi mula sa mga libro ni bob ong ay may permiso.

Ang komski quotebox ay maari mo ring magamit! Kopyahin mo lang ang code at ilagay sa iyong blog template o source.

Maaari mo ring baguhin ang mga kulay-kulay at font at font sizes para bumagay sa iyong layout.

At siyempre, marami kang mapagpipiliang quote categories tulad ng mga love quotes, senti text messages, joke text, pinoy slang, the simpsons, spongebob squarepants, at marami pang iba! Kaya ano pang hinihintay mo? Kuha na!

 
komski awardspace com
Blog Entries  |   Random Quotes  |   Huwaw, Tagboard!  |   Image Scripts

Mahirap gawin ang hindi mo naman kaya. Mahirap hanapin ang wala naman talaga. Mahirap isipin ang hindi mo naman alam. Kung wala ka na talagang maisagot, bakit hindi mo na lang ipasa ang test paper mo?

Narito ka ngayon sa site ng isang computer science undergrad na binuo sa isang text editor na ang pinagkaiba lang sa notepad ay ang keyword-highlighting at automatic indentation. At eto na nga ang kinalabasan, ang tanging alam kong site na walang direksyon, labo-labo, at ni matinong navigation ay wala.

I-click mo si Naruto para sa aking latest blog entry, at si Saske para naman sa iba pang pwedeng makita dito tulad ng random quotes at tagboard na may icons.

S'ya nga pala, 60% para pumasa,
at walang removals.