komski awardspace com
Home | Blog | Tagboard | Random Quotes | Image Scripts | Blogs and Other Websites
Sunday, 11:00.18 am August 17, 2008
Bible Verses

Get the Code
Spread the Word! Gamitin ang inyong blog para ipakita ang mga Bible verses that will help you get through each day. Balak ko dati na maglagay ng Gospel service pero wala akong makitang schedule kaya wala rin. nakuha ko pa naman na yung lahat ng Gospel text. Baka ikaw alam mo yung schedule ng Gospel readings?
Bob Ong Quotes

Get the Code
Ang mga nakasaad na bob ong quotes ay kinuhanan ng kaukulang permiso mula sa may-akda ng kanyang mga libro. Kung gagamitin mo ito ay kailangan mong isaad saan man sa iyong pahina na "ang mga sipi mula sa mga libro ni bob ong ay may permiso", o kahit na anong pangungusap o parirala na may parehong kahulugan tulad ng nabanggit. Kung meron pa ring space na natitira ay maglagay ka na rin ng link na nakaturo sa http://visprint.net/publications/bob (parang ganyan). Kung hindi ka susunod ay mapipilitang i-block ang site mo sa paggamit ng serbisyong ito. At baka palabasin ka rin ng kwarto hanggang matapos ang buong klase.
Love Quotations

Get the Code
Magpakalunod sa mga romantic love quotations na kinuha pa mula sa mga nakadisplay na Hallmark greeting cards sa may National bookstore at mga dashboard decoration sa mga dyip na papuntang Pantranco. Ito ay quoted sa mga taong nakalipas at nabubuhay pa. May gusto ka bang quote na wala dito? Email mo sa akin lahat.
Copongcopong Pinoy Slang Dict.

Get the Code
Mga repapips, para sa mga mahilig sa burloloy sa kanilang saputin, dekwat na ng code para maging astigin sa mga tropa. Salamat nga pala sa pinagmulan ng listahan na ito, ang copongcopong pinoy slang dictionary. Na hindi ako sigurado kung online pa, paki-check naman tas sabihin mo sa akin kung andun pa.
Pinoy Slang

Get the Code
Hindi pa kuntento sa copongcopong? Kung gayon ay baka para sa iyo ang bagong set ng slang words na nakuha sa bagong source. Paka-iingat lang dahil karamihan sa mga ito ay explicit, at paniguradong hindi magugustuhan ng nanay mo kapag nakita sa blog mo. At hindi lahat ay siguradong totoo, as of now, dahil kung lagi mo itong ginamit araw-araw sa pakikipag-usap sa mga kaklase't kaibigan, edi magiging pinoy slang talaga. pinoyslang.com
Computers and Programming

Get the Code
Isang computer geek? Narito na ang samu't saring quotes na paniguradong makakarelate ka at sa mga ginagawa mo. Sawa na ba sa mga Big-O notations? Nabubuwang ka na ba sa walang hanggang pagdedebug? Magbasa na mga nakakatuwang quotes na sinabi mismo ng mga taong bumuo sa nalalaman mong computing industry.
Mathematics!?!

Get the Code
Gusto mo bang magmukhang intellectual ang iyong blog? Edi lagyan mo na ng math quotes! from serious to silly na paniguradong maguguluhan at pagkakaguluhan na iyong mga blog friends. Abangan ang mga kategorya tulad ng Time and Space relativity, human rights and the civil code, at Global economy and the World Market.
More Categories